Friday, May 29, 2020

Ang Amerika ang Tunay na Mananakop

Sino ang TUNAY na “Mananakop”? Sino ang tunay na sumakop at patuloy na nang iimpluwensiya sa Pilipinas? Sa tagal nang mag kapitbahay ang Pilipinas at Tsina e kahit kelan e hindi nila tayo tinangkang sakupin.

Sinugod tayo ng Tsinong si Limahong nuong panahon ng mga Kastila, pero isa siyang Pirata, hindi kasapi ng Gobyerno ng Tsina nuon.

Ang Estados Unidos na napakalayo e sinakop at ginawa tayong Koloniya, ang hanggang ngayon gusto pa rin tayong impluwensiyahan para maging para sa kanila.

Saan ba sa tingin ninyo nanggagaling yang mga Pro-United States (US) at Anti-China na mga na sintimyento na umiikot lagi sa Press at Social Media?

And take note, ha, hindi lang tayo sinakop ng Amerika, nang Massacre pa sa Balangiga.

Ngayon, ayon sa artikulo sa baba, hindi kumulang sa walumpu’t apat (84) na bansa sa buong mundo ang sinugod o lumaban ang sandahang lakas ang Amerika.

Kung isasama ang mga bansang meron silang kinasasangkutang militar, tataas ang bilang ng mga bansa sa isangdaan at siyamnapu’t isa (191).

SOURCE: These are the only 3 Countries America hasn't invaded

Check out my Links: https://linktr.ee/rhk111

No comments:

Post a Comment