Sunday, May 24, 2020

Maxdefense, pagkatapos siraan ang Jose Rizal Frigates e panay Poste naman ngayon tungkol diyan

Natatawa ako diyan ke Max Montero ng Maxdefense na ngayon e panay poste ng piktyur ng BRP Jose Rizal habang siya naman ang ugat ng mga intriga laban diyan.

Tingnan ninyo yung mga naunang poste niyan nung unang pumutok ang isyu ng Link 16 e kung makalait iyan sa Jose Rizal class Frigates e wagas. Tapos ngayon ginawang Cover Photo pa yung BRP Jose Rizal.

Wag mong sabihing Navy ang kumontra diyan sa Naval Shield (NS) Combat Management System (CMS) dahil si former FOIC Taccad e pabor diyan at nag testigo pa nga sa Kongreso.

O di ba Navy si Taccad? Ang sumunod na FOIC na si Mercado saka lang kumontra diyan.

At kung ano ano pa ang inintriga niyan, kesyo wala daw espasyo para sa Towed Sonar System, kesyo nag promise daw ng Goalkeeper ... Tapos ngayon panay poste tungkol sa BRP Jose Rizal?

Naku matuto kang mahiya, Max Montero ng Maxdefense, at hindi yang Feeling Entitled Spoiled Brat Elitist ka na you think pag aari ninyo ang Pilipinas.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts