November 16, 2025: Ang Pangatlong Bidyo ni Zaldy Co tungkol sa Kuraptsyon ni Bong Bong Marcos (BBM)
Eto ang pangatlo at huling Bidyo ni Zaldy Co tungkol sa Kuraptsyon ni Bong Bong Marcos (BBM) na in-upload mismo sa kanyang Opisyal at Verified na Facebook Page na mayroong Blue Check Mark nuong Nobyembre 16, 2025. Sa ibaba ang Kopya ng kanyang mga sinaad sa Bidyong ito:
Kaya ngayon ay hinahamon ko si Ombudsman Remulla kung seryoso talaga siya sa mga sinasabi niya sa kanyang press release na idadamay niya pati si Martin Romualdez kung magbibigay ako ng Ebidensya. Patunayan niya ngayon ang pronouncement niya. Imbestigahan niya ang Fraternity Brod at ang kanyang Kaibigan na si Speaker Martin Romualdez kung talagang tutupad siya sa tungkulin niya.
Imbestigahan din niya si President Bongbong Marcos. Sabi nga ni BBM nuong SONA, let's do it right at mahiya naman kayo, hindi po ba? Nananawagan din po ako sa Senado na imbestigahan ang 100 billion insertion ni Presidente. Alam ko po na hindi gagawin ni Ombudsman Remulla ang hamon ko.
Pero magaling ang Senado sa imbestigasyon at ako ay naniniwala na dahil sa kanila lalabas ang katotohanan. Yung pung listahan ng mga Projects ilalabas ko din kasama ng Video na ito. Dahil dito mas lalong darami ang ipa-file na kaso sa akin.
Ginagamit ng Administrasyon ang buong resources ng Bansa para tumahimik ako, para masira ang aking Kredibilidad. Darami din ang Banta sa Buhay ko at ng aking Pamilya. March 2025 pa lang si Speaker ay nagpaparanig sa akin sa aming Meeting that he will shoot me if I will talk.
At pagkatapos niyang sabihin sa akin in a Phone Call na don't come home, he will take care of you, tumawag ulit si Speaker Martin at sinabihan niya ako na pag umuwi ako will be dangerous. Kasi they may hire someone to do a rub out on me or hire the Police to kill me while in Jail. Una pa lang ito sa magustu kong ibunyag.
Marami pa akong dadalhin sa Liwanag. Isa na dito ay kay Henry Alcantara, ang DPWH Boys, ang sinasabi nilang halaga sa ICI ay 21 billion. Hindi po totoo yan.
Ang totoog numero ay 56 billion pesos at yung pung halaga na yan ay kay Pangulong Bongbong Marcos at Martin Romualdez na punta lahat. Ilalabas ko po ang buong Detalye sa darating na mga Araw. Kaunting pasensya pa po.
Sana po ay hindi nila ako mapatay bago ko mailabas ang lahat. Sa inyong lahat sa Pilipinas, lalong lalo na sa aking Pamilya, taus puso akong humihingi ng paumanhin. Ginawa ko lang ang Utos sa akin pero ngayon handa na akong harapin ang lahat.
Uulitin ko po yung pung Pera wala pung napunta sa akin. Dumaan lang po ang Pera sa akin para i-deliver kay Speaker Martin Romualdez at Pangulong Marcos. Salamat sa inyong pag-unawa.
(Transcribed by TurboScribe.ai)
SOURCE: Official and Verified Zaldy Co Facebook Page, 11/16/25 - 1604H {Archived Link}
November 15, 2025: RE: Ang Pangalawang Bidyo ni Zaldy Co tungkol sa Kuraptsyon ni Bong Bong Marcos (BBM)
Eto ang pangalawang Bidyo ni Zaldy Co na kuha mismo sa kanyang Opisyal at Verified na Facebook Page na mayroong Blue Check Mark. Sa ibaba ang Kopya ng kanyang sinaad niya sa Bidyong ito:
Again, I informed the Speaker and asked Clearance about the Instructions ng Pangulo, at ang sabi niya, wala tayong magagawa. Kaya po nagtataka ko kung bakit sinasabi ni Pangulo na hindi niya makilala ang Budget, samantalang lahat na binawas at dinagdag sa mga Ahensya ng Gobyerno ay humihingi ng Approval sa kanya si Sec. Mina Pangandaman.
Bago namin ginawa o tinapos ni Sen. Chiz Escudero during the Bicam. Sinabi pa ni Sec. Mina, everything is cleared with the President. Basta importante, pasok ang Pondo na Request ng Pangulo. The following Day, sinabi ni Sec. Mina, approved na si Presidente BBM sa lahat na binawasan ng Ahensya, masaya na ang Pangulo dahil na ipasok ang gusto niyang 100 billion insertion.
Wala pong Perang napunta sa akin. Lahat po ng insertion napunta sa ating Pangulo at Speaker Martin Romualdez. Ako lang at ang aking mga Tao sila Paul Estrada, Mark Tecsay at ang aking mga Security ang nag-deliver papunta sa bahay nila Pangulong Bongbong Marcos at Speaker Martin Romualdez sa North Forbes Park, South Forbes Park, hanggang sa Malacanang. Yung mga deliveries po ay merong record ang aking mga Tao. Totoo po yung sinasabi ni Orly Guteza na nag-deliver siya sa Forbes Park.
Totoo din po ang sinasabi ni Orly Guteza na nag-deliver siya sa Malacanang nung siya ay nasa Senado. Para mapatunayan ang mga Litrato na deliveries ay lalabas ko po together with this Video. After po ng approval ng Budget sa General Appropriations Act of 2025, nagtanong po ako sa DPWH kung magkano ang kailangan na ibigay sa Office of the President o ang SOP na bigayan.
Ang sinagot sa akin ay 25%. Ang ibig sabihin ito 25% ng 100 billion ang SOP na kailangan ibigay kay BBM mismo. In total, 25 billion ang napunta kay Pangulong Bong Bong Marcos.
Kaya ngayon ay hinahamon ko si Ombudsman Remulla kung seryoso talaga siya sa mga sinasabi niya sa kanyang Press Release na idadamay niya pati si Martin Romualdez kung magbibigay ako ng Ebidensya. Patunayan niya ngayon ang Pronouncement niya. Imbestigahan niya ang Fraternity Brod at ang kanyang Kaibigan na si Speaker Martin Romualdez kung talagang tutupad siya sa tungkulin niya.
Imbestigahan din niya si President Bong Bong Marcos. Sabi nga ni BBM nuong SONA, let's do it Right at mahiyan naman kayo, hindi po ba? Nananawagan din po ako sa Senado na imbestigahan ang 100 billion insertion ni Presidente. Alam ko po na hindi gagawin ni Ombudsman Remulla ang Hamon ko.
Pero magaling ang Senado sa imbestigasyon at ako ay naniniwala na dahil sa Kanila lalabas ang Katotohanan."
(Transcribed by TurboScribe.ai)
SOURCE: Official and Verified Zaldy Co Facebook Page, 11/15/25 - 1026H {Archived Link}