Sunday, May 9, 2021

Ang napakatinding Kapalpakan sa Diplomasya ni Albert Del Rosario ang nagpalala sa Hidwaan ng Pilipinas at Tsina

Piktyur ni Albert Del Rosario mula sa Wikimedia Commons
Piktyur ni Albert Del Rosario mula sa Wikimedia Commons

Ito ay unang pinoste ni Richard Poon sa kanyang Opisyal na Facebook Account, pero lumalabas na ba-se sa isang Artikulo ng Inquirer nuong Septyembre 19, 2012, ang NAPAKAMATINDING KAPALPAKAN SA DIPLOMASYA ni Albert Del Rosario ang nagging UGAT na nagpapalala sa bangayan ng Tsina at ng Pilipinas

Hindi ko maaaring I post ang buong Artikulo rito dahil sa “Copyright Issues”, pero isa summarize ko na lang ang mga pinaka importanteng Punto ng Artikulo: 

* Naging tutol si Del Rosario na Foreign Secretary nuon sa “Backdoor Negotiations” na ginawa ni Antonio Trillanes IV sa Tsina dahil parang naging watak daw ang approach ng Pilipinas sa Tsina. 

* Ngunit ayon naman ke Trillanes: 
- HINDI naging EPEKTIBO si Del Rosario bilang Foreign Secretary kaya nangailangan pa ng Backdoor Negotiations sa Tsina;
- Masidhing tinutulan daw ni Del Rosario ang anumang mapayapang pakikipag ayos sa Tsina, at me balak pang dalhin ang Amerika sa isyu para tulungan ang Pilipinas lumaban sa Tsina. 
- Isa daw “War Freak” si Del Rosario, at hindi tutuo ang pangamba na gagawa raw ng Outpost ang Tsina sa Scarborough Shoal nuon.
 
* Dagdag pa ni Trillanes:
- Hindi nakumbinse ni Del Rosario nung Mayo 2012 si Hillary Clinton na Secretary of State nuon ng Amerika na tulungan ang Pilipinas, at inanunsiyo ng Amerika nuon na gusto nilang maging “Neutral” sa Isyu ng Pilipinas at Tsina;
- Hindi rin nakumbinse ni Del Rosario ang Association of South East Asian Nations (ASEAN) na gumawa ng Joint Statement para suportahan ang Pilipinas laban sa Tsina;
- Hindi rin natuloy ang balak sanang “one on one Meeting” ng Presidente ng Tsina nuon na si Hu Jintao at Benigno Aquino Jr. dahil sa pangingialam ni Del Rosario. 

* Binanggit din ng Artikulo ang posibilidad na ginagamit ni Del Rosario ang Isyu laban sa Tsina para protektahan ang interes ni Manny V. Pangilinan sa South China Sea (SCS).
- Si Pangilinan ay naging dating Boss ni Del Rosario;
- Si Pangilinan ang may control sa isang Consortium na nagmamayari sa Exploratory Rights sa Recto Bank
- Nakipag kita ang mga Opisyales ng China National Offshore Oil Corp (CNOOC) ke Pangilinan nuong Mayo 2012
- Maaring sa pakikipag matigasan sa Tsina e naisip ni Del Rosario na maging mas paborable ke Pangilinan ang negosasyon sa Tsina. 

‘Amboy na Amboy’
Kung titingnan ninyo ang Bayograpiya niyang si Del Rosario, "America’s Boy" o "Amboy" na Amboy talaga yan. Mula High School e sa Amerika na nag aral yan, at naging Ambassador ng Pilipinas sa Amerika rin. 

Nakapag trabaho rin iyan sa hindi lang isa kung hindi iilang mga Kumpanya ni Pangilinan. 

‘Palpak Talaga’
Makikita natin sa Artikulo sa itaas na handang makipag ayos nuon kahit sina Trillanes at Aquino sa Tsina. Pero ang nangyari e some time pagkatapos nuon e mukhang napag desisyunan nila na PANINDIGAN na lang ang KAPALPAKAN sa Diplomasya ni Del Rosario kaya pinalalabas nilang Demonyo ang Tsina mula nuon. 

Hindi ko alam kung bakit pinanindigan na lang ng Administrayon ni AbNoy Panot ang kapalpakan ni Del Rosario, marahil naisip rin nila na kahit si Del Rosario ang pumalpak e buong Administrasyon niya rin ang masisisi. 

‘Parting Shot’
So pumalpak ng husto sa Diplomasya kaya nagtatago na lang ngayon si Del Rosario sa Palda ng “Nasyonalismo” at “Patriotismo”. Maganda kung matuloy ang pag imbestiga ni President Rodrigo Duterte sa pagkawala ng Scarborough Shoal at mauungkat at maisasapubliko ang mga kapalpakang iyan. 

Check out my Links: https://linktr.ee/rhk111

Don’t forget to click on the Ads or to donate to help support this Website


No comments:

Post a Comment

Popular Posts